Bakit Mahalaga Ang Pagkakaroon Ng Bukas Na Isipan?

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na isipan?

Answer:

Kahalagahan ng Pagkakaron ng Bukas na Isipan

  • Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bukas na isipan, mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
  • Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay isang paraan upang mas malawak nating maunawaan at maintindihan ang pananaw, opinyon at saloobin ng ibang tao.
  • Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.  
  • Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay isang paraan upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan.  
  • Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bukas na isipan madali nating mauunawaan at matatanggap ang ating mga magagawang kamalian.
  • Sa pamamagita ng bukas na isipan, handa tayo sa mga posibleng suhestiyon ng ibang tao lalo na pagdating sa pagpapasiya at pagdedesisyon.
  • Nagiging madali sa isang tao ang magpasiya o magdesisyon sa isang bagay kapag bukas ang kanyang isipan sa maaring maging bunga o resulta nito.

Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay mahalaga para sa isang tao sapagkat bukas siya sa mga posibilidad na dala ng pananaw at opinyong ng ibang tao. Ang isang taong bukas ang isipan ay marunong umunawa at uminti ng nararamdaman ng ibang tao, marunong tumanggap ng pagkakamali at tumanggap ng suhestiyon ng kapwa.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa link na nasa ibaba:  

Ibig sabihin ng bukas na pag-iisip: brainly.ph/question/1649122

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

Pwede Po Bang Bigyan Nyo Po Ako Nang Poetry Sa Ekonomiks