Pwede po bang bigyan nyo po ako nang poetry sa ekonomiks Answer: SA MATA NG EKONOMISTA Anong sense kung itutuloy pa Ang produksyon ng pag-ibig ko? Tinatangkilik mo ba? Wala kang demand sa abundance ng pagmamahal ko, alam ko naman, ang habol mo lang ay ang serbisyo ko. Monopolyo nga ang napasukan ko, ikaw lang ang nagdidikta ng halaga ko. Nagsusuplay ng ngiti at kulay sa aking buhay. Necessity kang walang kapantay. Pero di ako ang target market mo't para saki'y wala kang suplay. Sino ba'ng niloloko ko? Di naman ako biktima ng hoarding ano. Di naman tago ang suplay ng ibang pag-ibig dyan, Marami nga naman kayo'ng pwede ko'ng pagbilhan. Maaari ngang complimentary goods tayong bagay na magkadikit. Pero sorry, marami kang substitute na pwede kong makamit. Parang kurba lang ng demand at suplay Ang pagmamay-ari kong buhay. Kumakanan, kumakaliwa Parang presyo, tumataas, bumababa. Pero pinapangako ko, balang a